After years of pondering, I have chosen to give Gretchen Rubin's Happiness Project a try. I still wish I'd thought of this first, but I will admit ideas like this don't come naturally to me - I mean, seriously, being the girl who has always claimed to search for happiness online, shouldn't I have come up with this fantastic endeavour first? XD;
Makalipas ang ilang taong pagninilay-nilay, pinili kong subukan ang Happiness Project ni Gretchen Rubin. Sana talaga ako ang nakaisip ito, ngunit aaminin kong hindi talaga papasok ang ganitong uri nang layunin sa akin - medyo lang, hindi ba isinarili ko na sa buong internet ang paghahanap ng kasayahan? Kaya nga ako dapat ang unang nakaisip sa napakagandang layunin na ito! XD;
So what is The Happiness Project anyway? According to Ms. Rubin, the Happiness Project operates on the principle that it is possible to enjoy living by taking small, concrete steps in your daily life. The project involves writing what one has learned after trying the wisdom of the ages, the current scientific studies, and the lessons from popular culture, all in the pursuit of happiness.
Ano nga ba ang The Happiness Project o Panukala ng Kaligayahan? Ayon kay Ms. Rubin, ang Panukala ng Kaligayahan ay gumagana sa prinsipyong matatamasa ng kahit sino ang mabuhay nang masaya sa pamamagitan ng maliliit na gawaing pang-araw-araw. Sangkot sa panukalang ito ang pagsusulat ng mga natutunan ng tao sa pagsubok sa karunungan ng mga kanununuan, sa kaalamang bunga ng mga pag-aaral sa kasalukuyan, at sa mga aral ng kulturang popular, lahat ng bagay sa pagtugis ng kasayahan.
Just to illustrate her point, Ms Rubin only discovered her passion for writing a bit later in life, while in the middle of clerking for Justice Sandra Day O’Connor - because previously, she set out to be a lawyer, going so far as to studying in the prestigious Yale Law School!
Bilang sariling pagpapaliwanag, natuklasan lamang ni Gng Rubin ang kanyang hilig sa panunulat sa katagalan ng panahon, habang namamasukan siyang clerk para kay Huwes Sandra Day O' Connor - dahil una niyang hinangad na maging abogada, at nag-aral pa siya ng abogasya sa prestihiyosong Dalubhasaan ng Yale!
Of course, I would be doing this my own style. I would also just like to warn you that with the way I know myself, I will most likely not be able to finish, much less execute, this project with regularity in 365 days. But that's fine with me - I've been looking for happiness since I was 16, and as much as I would like to find it immediately, I think it would be a more worthwhile pursuit if I did not rush into it, and instead savoured every little pocket of joy I found one moment at a time. Besides isn't that the whole point of the exercise? v^.~v ♥
Siyempre, gagawin ko ito sa aking sariling pamamaraan. Mabuti na ring balaan kayo na sa aking pagkakakilala sa aking sarili, malamang hindi ko ito matatapos, o hindi kaya'y maisakatuparan, ang panukalang ito nang maayos sa loob ng 365 na araw. Ngunit wala naman itong kaso sa akin - hinahanap ko na ang aking kasayahan mula pa noong ako'y 16 taong gulang, at kahit na mas mainam na makita ko ito agad, sa tingin ko naman ay mas mabuti kung hindi ko ito mamadaliin, at bukod dito ay nanamnamin ko ang bawat maliit na butil ng kagalakan sa bawat sandali. Hindi ba ito rin naman ang puno't dulo ng buong kaganapang ito? v^.~v ♥
Feel free to follow me - or better yet, join me - in this pursuit of happiness! ;3
Sundan ninyo ako - o, mas mainam pang samahaan ninyo ako - sa aking pagtugis sa kaligayahan! ;3