Ligaya has been online since the year 1995, but she only thought to put down a chronicle detailing her path to happiness - as implied by her name - in the year 2000. She makes every effort to feel joy in even the smallest corners of her world, and is at her happiest when spreading happiness and love. She also upholds and fights for freedom, decency, justice and equality. Try not to cross her, as she can be capable of unfathomable cruelty once provoked.
Unang napagtanto ni Ligaya ang internet noong taong 1995, ngunit napag-isip-isip lang niyang itala ang kanyang paglalakbay tungo sa kasayahan - bunga ng kanyang pangalan - sa taong 2000. Sinisikap niyang maramdaman ang kasayahan sa mga kasuluk-sulukan ng kanyang daigdig, at nadarama niya ang pinakamatinding kaligayahan kapag ipinagkakalat niya ang kasayahan at pag-ibig. Itinataguyod at ipinaglalaban rin niya ang kalayaan, ang kalinisang-budhi, ang katarungan at ang pagkakapantay-pantay. Huwag ninyo siyang susubukan, dahil kayang-kaya niyang magdulot ng matinding kalupitan kapag napukaw ang kanyang galit.
This blog remains the chronicles of Ligaya's search for happiness inside and outside the internet. Please note that this blog will be bilingual with Filipino and the occasional Spanish remaining largely untranslated due to the author's sporadic update schedule. Thank you very much for your understanding!
Nananatili ang blog na ito na tala ng pakikipagsapalaran ni Ligaya sa paghahanap ng kagalakan sa loob at labas ng internet. Ipinapaalala po na magkakaroon rito ng mga kasulatan sa wikang Ingles at maging sa Kastila na hindi maisasalin dahil madalang makapagtala ang may-akda nitong blog. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa!
Let me absorb all your pain, suffering and sadness. Nothing makes me happier than seeing you smile. | Hayaan akong hithitin ang lahat ng iyong mga sakit, paghihirap at kalungkutan. Walang higit pang nakapagpapasaya sa akin gaya ng iyong ngiti.