Sunday, February 20, 2022

Kailangan nating magtanda: Isang pahayag

Napapaisip ako nang madalas tungkol sa mga balimbing na (bumalik sa) pangangampanya para sa mga mismong kinatawan na kanilang siniraan mula noong 2015 hanggang 2021: PNoy, Mar, Leni and Kiko. Dahil sa ginampanan nila upang magkaganito ang pamamahala ng ating bansa, hindi ko sila maituturing na kakampink. 

Walang pinag-iba ang pulpolitikong tulad nina FVRamos, Dick Gordon, Bayani Fernando, Grace Poe, Chiz Escudero, at ang mga tagapaghatid ng balita gaya nina Ted Failon, Arnold Claudio, atbp kina Enrile, Macapagal-Arroyo at Marcos. Lalong hindi ko rin maatim ang lahat ng kasapi ng Makabayan bloc, ang mga National Democrats na siyang unang kumampi kay Duterte at hanggang ngayon ay hindi pa rin natutong humingi ng tawad at magtrabaho upang itama ang kanilang pagkakamali na siyang nagdulot ng kaguluhang ito. 

Pinaglaruan nilang lahat ang buhay at niyurakan nila ang pagkatao hindi lang ng napakaraming ipinakulong at ipinapatay dahil sa huwad na "War on Drugs" ng administrasyong Rodrigo Duterte, kundi maging ang kanilang mga kamag-anak/angkan. Magalit po na ang magalit, pero ang aking mga binibitiwang salita ay buhat ng pinagdaanan nang aming pamilya nitong 6 na taon.

Ayaw kong ibahagi ang mapait na pagkulong ng aking kapatid; lingid lang po sa inyong kaalaman pero wala akong nakukuhang kasayahan o clout/prestihiyo kada pagkukumahog kong isulat o isalarawan ang kanyang nakakapanlumong pinagdaanan. Ngayon lang po ako nagsasalita, na may halong kaba at luha, dahil gusto kong matuto ang sambayanan mula sa aming karanasan. Nang-ibang bansa nga po ako upang makapagsimula muli, dahil sino nga ba ang gusto makipagtrabaho sa isang marketing communications professional (kahit na hindi naman ako napakagaling sa trabahong ito) na sirang-sira ang mabuting pangalan dahil sa paninirang ginawa ng pamahalaang ito? Hanggang sa kasalukuyan at hindi na ako makapagsulat at makapaglikha bilang libangan, dahil nabubuhay ako araw-araw nang hindi ko makakalimutan kung paano ako nabigong maipagtanggol ang aking kapatid gamit ang wika at ang mga salitang dati-rati ko nang sandata. 

Kaya, habang lalaban ako nang buong puso para kina Leni Robredo, Kiko Pangilinan, Team Tropa at sa kapakanan ng sambayanang Pilipino maski hindi sila kakampink, hindi ako makikipagkasundo sa mga balimbing na binanggit ko at sa kanilang mga tagasunod. Naniniwala ako sa pagmamana ng sumpa at kamalasan, kaya hanggang sa ang mga taksil ay magpakita nang tunay na pananagutan tungo sa paghahamig at paghihilom, hindi ko sila kayang pakisamahan at hindi ko kayang panagutan ang pakikisama sa mga nanghihikayat na tanggapin ang pakikipagsanib-pwersa sa kanila. Kailangan na talaga nating magtanda at matuto sa ating mga pagkakamali. Kung patuloy kayo sa pagboto sa mga taksil at/o sa pagsasawalang-bahala sa mga naranasan namin nitong mala-impyernong administrasyon, salamat na lang po sa lahat. 


Pagsasalin sa Ingles sa ilalim nitong cut / English translation after the cut. 

Friday, January 21, 2022

Rebuilding and Recreating

Re-creation - noun.

  1. The act of making something anew
  2. A thing being formed anew
  3. The state of being remade
I haven't really been creating a lot of new material these past few years out of leisure or for the simple sake of creating. 

I went abroad because I wanted to start over, to begin again. 

Who knew it would be so difficult?