Monday, November 13, 2006

Ang Buhay Nga Naman.

Nakakatuwa.
Sa bihira kong paspasang pag-e-emo nang todo-todo sa LJ, 'yung mga hindi ko pa inaasahang sasagot ang una't una pang sumaklolo sa akin.
Ngayon alam ko na kung sino ang mga tunay kong kaibigan. ~_~

Kilala ninyo kung sino kayo. Maraming salamat sa inyo.
Ang hinihiling ko na lang ay kung sakaling magkita tayo muli, hangga't maaari, magpanggap na lang muna tayo. Magpanggap kayong hindi ninyo alam na namomroblema ako, at magpapanggap ako na masaya ako. Masaya na rin naman ako dahil narito kayo at kapiling ko, sapat na 'yun.

Muli, maraming salamat sa inyo.

No comments: